PAG – IBIG NA
PASAKIT
Ganyan bang pag-ibig... parang gayuma,
Dahil dito marami ang martir,
Dahil dito madami ang handang masaktan!
O! pag –ibig nga naman, napakahirap pag naramdaman.
Hindi ba’y ito ay isang pagmamahal,
Na sa isang tao ay may halaga;
Ngunit bakit kung minsan ay iba,
Pag-ibig na kumikitil, sa buhay pasakit.
Hindi man umiimik
Pinamamanhid ng pag-ibig na balat-kayo
Tatawa nalang ako habang humihikbi
Sa loob-loob ko ay nagpupumiglas ang sakit
Manhid lang ang damdaming di totoo
Masasalamin naman sa matang hiyang-hiya sa pagkatao
Manhid lang ang sanay nang masaktan
Namanhid na ng pusong sanay masugatan
Hindi ko alam kung ako'y makakabangon pa,
Hanggang ika'y dumating at biglang mawala!
Nagsimulang mapawi itong kasiyahan,
Nagbabago ang paligid nang ikaw’y di mamasdan.
PINATUTUNGKULAN:
- SAKNONG 1 – pag – ibig na nararamdaman
- SAKNONG 2 – halaga at sakit ng pag – ibig
- SAKNONG 3 – ang sakit na nararamdaman, hapdi ng pag-ibig
- SAKNONG 4 – ang pagkatao dahil sa pag-ibig, ang sakit na nararamdaman
- SAKNONG 5 – sa taong pinag –alayan ng pag-ibig at biglang nawak
Excellent!
ReplyDeleteCheck out s|n|o|w
http://danottenad.blogspot.com